RSS

Monthly Archives: October 2013

Image

Happy Holy-ween!

5587857_origNgayong panahon na naman ng santu-santo ay kaliwa’t kanan ang mga Halloween parties. Ang mga tindahan ay puno ng mga nakakatakot na dekorasyon. Sa children’s section ay nakahanay ang iba’t ibang laruan at costumes na may temang katatakutan.

Nakalulungkot na sa kabila ng mga paalala ng simbahan ay tila nakakalimutan na ng mga Katoliko na ang Halloween ay panahon upang alalahanin ang mga “hallowed”, na ang ibig sabihin ay banal. Anong kabanalan ba ang nakikita natin sa mga zombies, mangkukulam, satanas, tiyanak, white lady, at kung anu-ano pang kahindik-hindik na palamuti, kasuotan at tema?

Ang kasalukuyang paraan ng pagdiriwang natin ng halloween ay labag sa turo ng Simbahan. Ang itinataguyod ng Simbahan ay culture of life at hindi culture of death.

Mga magulang, sa halip na pagsuutin ng mga nakakata-“cute” na costumes ang inyong mga anak, bakit hindi sila pag-suotin ng costume ng mga santo, nang sa gayon ay maitanim sa kanilang murang isipan na dapat tularan ang mga katangi-tanging buhay ng mga banal?

Nakatutuwa ang initiative ng Don Bosco Makati upang magbigay-kaalaman sa mga Katoliko kung paano dapat ipagdiwang ang halloweenGod bless you!

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on October 28, 2013 in Uncategorized

 
Image

2013 Advent Recollection

For inquiries and reservations, please email jbalcoreza@yahoo.com.

 
Leave a comment

Posted by on October 28, 2013 in Events and Announcements

 

Tags: ,