RSS

Bayang sumisinta kay Maria

29 May

banner1Sa darating na ika-8 ng Hunyo 2013 ay ipagdiriwang natin ang Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria.

Ang araw na ito ay higit na mahalaga sa ating mga Pilipino sapagkat isasabay sa kapistahan ang pagtatalaga ng buong Pilipinas sa puso ng ating Mahal na Ina.

Hangad natin na sa konsekrasyong ito ng ating bansa sa Kalinis-linisang Puso ni Maria na tayo’y tulungan niya, bilang Ina nating lahat, na tunay na magkaisa. Sa mga nakalipas na panahon, ipinakita ni Maria ang kanyang pagdamay sa atin sa panahon ng sakuna, karamdaman, kaguluhan, kawalang-pag-asa, at iba’t ibang mukha ng kadiliman.

Bilang paghahanda, inaanyayahan ang lahat na magdasal ng nobena simula ika-30 ng Mayo 2013. Ito ay magtatapos sa Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus, ika-7 ng Hunyo 2013. Ang nobena ay maaaring makuha rito.

Sa ganap na ika-10 ng umaga sa Hunyo 8, 2013, Sabado, ang lahat ng simbahan sa  buong bansa ay magkakaroon ng misa upang sabay-sabay na ilagay na mga palad ni Maria ang ating bayan. Ang lahat ng mananampalataya ay inaanyayahang makiisa sa pagdiriwang ng napakahalagang sandaling ito.

Upang lalong mapagtibay ang paghahari ni Hesus at pangangalaga ni Maria sa pamilyang Pilipino, iminumungkahi ng Knights of Saint Benedict na iluklok (enthrone) ang mga Banal na Puso ni Hesus at Maria sa bawat tahanan. Ang mga panalangin at ritwal ng pagluluklok ay matatagpuan dito.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: